Natanong ako lately kung goods ba yung mataas na dolyar laban sa piso. Para sa'ken, HINDI.
Ganito kasi yun sa pagkaka-unawa ko. Kung exporter ka, goods. Kung OFW, ka goods. Pero kahit kumikita ka ng dolyar, kung ang presyo ng mga bilihin ay tumataas balewala din. Bakit?
Karamihan sa ating mga bilihin ay ini-import. Bigas, asukal, bawang, sibuyas, langis pati nga galunggong! Apektado tayo ng mas matindi kung mababa ang palitan ng piso. Sa negosyo, empleyo o sa ordinaryong pamumuhay natin.
Ang utang ng bansa natin ay dolyar din. Kaya mas mahihirapan tayo magbayad ng utang dahil sa lumulobong interest rate at exchange rate.
Eh ano dapat gawin, Kooks?
✅ Magtipid at umiwas sa gastos
✅ Magdagdag kita (maganda din kung dolyar
✅ Huwag magkumpara sa iba. Focus sa goal.
✅ Kung may savings o investments ka, let money work for you.
❌ Pakiusap, iwasang mangutang!
Ang pera pinaghihirapan yan, tanggalin mo yung "get-rich quick" mentality para maka-iwas sa maling financial decisions.
Lastly, Be responsible. Malaki ka na. Kung aasa ka sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa paghawak mo ng pera at paano o dapat ka bang mag-invest, ibig sabihin hindi ka nag-research.
May mga personal strategies din ako how to survive sa bear market. Feel free to share your thoughts. K, bye.